"Tabi diyan bata ka, paharang-harang ka sa daan!"
"Nasaan na ang ipinangako ng pangulo noong halalan? Bakit patuloy na kinakamkam ang ating mga...."
"Peeepppppppp... Peeeeeppppp..." "Wang wang wang wang wang....."
"I... ba...aagg...sak... aaanng... iiiimmm...peeeerrr...., ang bilis naman nilang maglakad,hindi ko nabasa."
"Hoy, sumama ka sa kanila, may bayad!"
"Magkano?"
"Isandaan."
"Ang tipid naman nila ngayon, dati tri hanred a."
"Marami yatang hakot galing probinsya, may ibinaba kanina sakay ng bus. Isandaan may kasamang t-sert."
"Sige mamaya. Pautang ng kendi!"
"Tang aling ka, bayaran mo yan."
"Re... e... ec... to... Recto! Aaaa...veeee....niiiii....daaaa... Avenida! Saan kaya sila ngayon?"
"O bosing mamaya na kayo umuwi, maraming bago sa loob, mamili kayo, mga bata pa!"
"Boss, ilang taon ang gusto nyo?"
"Boss, pasok lang sa loob, masaya ngayon diyan. Pare, malakas ngayon ah!"
"Holiday kasi pare. Pero sayang, hindi ako naka-dayoff."
"Ako rin eh. Di bale, double pay naman."
"Oo nga."
"Keee....eeeepppp Caaarrr....iii....eee...doooo... cleee....aaaannn."
"O laruan ate, kuya, singkwenta lang."
"Mag-ingat lang po tayo sa mga mandurukot. Ingatan po natin ang mga bag at pitaka."
"Ale, sampaguita po.'
"Kuya, kandila po."
"....ng ina mo ah! Tado ka, abusado ka. O itong bente, langya ka iniisahan mo pa ako. Hoy, matanda na ako dito sa Quiapo, nauna pa akong magtinda sayo dito."
"Excuse me, may I take your photo?. Great!"
"What does that mean? Mapeylad ang Philipeynas, neysa kaneyla ang beygong Jerusalem? You know what those words mean?"
"Dunno. Anyway, give these men a buck. Thank you very much sir!"
"At sinasabi ko sa inyo, sa panahong makita ninyo ang mga nasusulat na ito na nagaganap ay magalak kayo, sapagkat magaganap nang ang mga matuwid ay maililigtas. Kaya tayong lahat ay magsipaghanda, paputiin ang ating mga kasuotan. Sapagkat nasusulat, na darating Siya ngunit hindi natin alam ang oras at panahon, kaya nararapat na tayo'y maging handa!"
"Andito lang pala kayo, kanina ko pa kayo hinahanap."
"E bakit, saan ka ba galing?"
"Sa Recto. May mga naglalakad nga dun nakapula saka may dalang mga karatula, hindi ko naman mabasa ang iba."
"Sabi ng tatay ko, rali daw yun. Sumama sila ng tiyo ko dati sa rali, pambaon ko daw. Pag-uwi, may dalang pagkain, pero may pilay, pinalo daw ng pulis."
"Hindi ko alam ang rali. Pero dun sa nadaanan ko, may sumisigaw. Itinitinda pala ang babae?"
"Tado ka, bakit hindi ka sumilip sa loob? Sumilip kami dun dati, may babaeng sumasayaw, walang damit."
"Talaga?"
"Oo. Pero pinaalis kami ng gwardya, bawal daw ang bata dun. Para sa matatanda lang daw yun."
"Paglaki ko, papasok din ako dun, saka sasama rin ako sa rali para may pera. Sabi kasi ni Papa, baka hindi na ako mag-aral eh."
"Sama ka na lang tumambay samin lagi dito. Sa susunod, tuturuan ka namin magpalimos."
"Sige! Pero gusto ko sana mag-aral. Pangarap ko maging seaman!"
"Sabi ng nanay ko, ang pag-aaral daw ay para lang sa mayaman. Kapag mahirap ka daw sa Pilipinas, habang buhay ka nang mahirap, hindi ka yayaman!"
"A basta, yayaman ako. Mag-aaral ako at tutulungan ko ang ibang mahirap para wala nang katulad nating mahirap! Makikita ninyo kapag nakapag-aral ako kahit walang pera, babaguhin ko ang Pilipinas!"
"Ang taas ng pangarap mo, butas nga ang damit mo!"
"Oo nga. Mabuti pa, kumain na lang tayo."
"Saan?"
"Manghihingi tayo. Tara!"
"Oo kain na lang tayo! Halika na, kesa mangarap ka ng gising, ikain mo na lang yan!"
"Nangangarap nang gising? Makikita ninyo. Magsisikap ako. Mag-aaral. At balang araw, matutupad ang mga pangarap ko, at tutulungan ko ang iba, para wala nang katulad nating nabubuhay lagi sa hirap! Tara, kain na tayo!"