Sunday, October 11, 2020

Pancit Habhab: Tatak Quezon

Pancit habhab ang isa sa pinakapaborito kong pancit. Lahat naman ng pancit ay gusto ko, pero iba ang appeal ng pancit habhab. Ang isa pa ay pancit Bato, na ifi-feature din natin sa ibang article. Una akong nakatikim ng pancit habhab sa Tayabas, Quezon noong 2013. Nasa field visit kami noon sa lumang simbahan at may nagtitinda ng pancit habhab sa labas. Simula noon, isa na ang pancit habhab sa mga paborito kong pagkain. 

May isa pang masarap na kainan ng pancit habhab. Sa may pagtawid ng kalsada galling sa simbahan ng Lucban, Quezon. Pero hindi naman ako laging nasa Tayabas o Lucban. Dito sa Metro Manila, ang mabibilhan ng pancit Lucban ay Buddy’s. Sila yata ang nagpasikat ng pancit Lucban ditto sa Metro Manila. Isang pagkakaiba pala ng pancit habhab at pancit Lucban ayon sa kaibigan ko, ang pancit habhab daw ay basa, ang pancit Lucban ay tuyo. Bukod doon, wala naman talagang pinagkaiba, dahil pareho lang naman ng noodles na ginagamit.

Kaya noong magkaroon ng pagkakataon na makabili kami ng longganisang Lucban at pancit habhab, bumili na kami. Perfect pair! Ang ginawa ko, niluto ko na katulad ng mga inilalako sa Tayabas at Lucban: yung walang ibang halo kundi sayote at walang ibang timpla kundi patis at yung suka na pampalasa instead na kalamansi.

Una, inihanda ko muna ang ingredients: longganisang Lucban, sibuyas, bawang, sayote, paminta, patis, at siyempre ay ang pancit habhab. Iyong sayote, hiniwa into sticks.
 
Sunod, blinanch ko ang sayote. Hindi pinalambot, blanch lang para medyo malutong pa. 

Isununod kong iblanch ang noodles. Hindi niluto, pinalambot ko lang para medaling iluto pagkagisa ng bawang at sibuyas. 

Sunod ay iprinito ko ang longganisa. Sa pagpiprito pala ng longganisa, una itong pinapakuluan sa kaunting tubig. Ang init ng tubig ang unang magluluto sa longganisa. Dahil malaking bahagi ng longganisa ang taba, maglalabas ito ng sariling mantika. Kaya kapag natuyo na ang tubig, pwede nang iprito sa sariling mantika ang longganisa. 

Sa mantika ng longganisa ko na rin ginisa ang bawang at sibuyas. Noong mabango na ang bawang at sibuyas, idinagdag ko na ang blinanch na pancit at nilagyan ng tubig, patis, at paminta. Dinagdagan ko ng tubig kapag kailangan, hanggang sa tuluyang lumamot at maluto ang pancit. 

Pagkatapos, inilagay ko sa ibabaw ang blinanch na sayote. At siyempre, may kapares na sukang may timpla. Ayos na ang pancit habhab at longganisang Lucban combo!

DDMP REIT to go on IPO at Php 2.25 per share

DDMP REIT, Inc., the second Real Estate Investment Trust in the Philippines, will begin selling its public stocks through Initial Public Off...